Writer/s: Shawn Yohan
Artist/s: Shawn Yohan
Hindi uso ang “kru kru kru” at iba pang tunog ng kámaksî sa kalye ng Dimáta Himik St., Barangay Maingay dahil sa tirahan ng pamilyang hindi napapagod ang bungangà. Sa tirahan kasí na iyon nagmumula ang sámot-saring ingay mula sa pamilyang ‘di matahimik: ingay mula sa rumaratsadang bibig at hampas ng ‘di maubos na hanger ni Mamu Madda, ang malakas at ‘di maputol-putol na hilik ni Papu Clement, ang matinding palahaw at tilî ni Jitter, ang nakabibinging halakhak ni Rowdy, ang mga kaluskos ng ‘di mapirming si Giggle, at ang matinis na kantiyaw at ngiyaw ni Catoo. Sa kabila ng araw-araw na pamumuhay at pakikipagsapalaran ng pamilya Bunganga na punô ng iba’t ibang uri ng tunog, mayroon pa ring ingay na kailanman ay hindi madadaig at hindi mapatatahimik—ang pag-ibig sa isa’t isa. Sapagkat ganito ang pamilya Bunganga, maging ang puso ay nagsasalita.
This series is currently ongoing.
Share Bunganga Memories on
Hoy, iyong anak ko!!!
Pamilya! Sinugod sa ospital!
Luto na ang adobo!!
Other titles you may like in
Something for everyone. Laugh with our diverse library of funny komiks.